Sunday, May 1, 2011

Last Day as 20

Today is May 01. Ngayong araw na to' ang huling araw ng pagiging 20 years old ko. At bukas, 21 years old na ang bida. Tumatanda na talaga ako.. :)


Aaminin kong yung birthday ko last year ang pinakamalungkot na birthday ko.. :'(   Nasa hospital kasi ang mama ko nung time na yun at malungkot talaga..di ko talaga feel na birthday ko. 


Inexpect ko pa naman na madidischarge sya sa ospital bago ang birthday ko. Ang hirap talaga ng feeling na di mo kasama yung mga taong importante sa'yo sa araw pa naman ng kaarawan mo. Naiyak talaga ako sa text ni mama nun (brown-out pa talaga nung gabing yun). Yun na pala ang last birthday greeting nya sa akin kasi nung November kinuha na sya sa amin.. :'( 
Pero masaya naman ako dahil mas nakasama ko sya ng mas matagal kesa sa mga kapatid ko at naabutan nya akong tumuntong sa edad na 20's. 


Sana, bukas, kahit di na namin kasama si mama, maging masaya naman kahit paano ang birthday ko..So bukas, I'll paint the town red, hehe :)). Thanks God na naabot ko ang edad ko ngayon. Pati na rin sa mga blessing na dumating, dumarating at darating pa sa buhay ko at sa mga taong nagmamahal sa akin. Advance Hapi Bertdey to ME..!! :))  





No comments:

Post a Comment