Monday, May 2, 2011

Salamat sa 2 Chui, at kay Haifa and Jude..

(Sinulat ko to kagabi kaso wala akong chance ilagay kaagad dito..)


Masaya ako. Msaya ako dahil bukas eh birthday ko na. Simula bukas, 21 years old na ko. Masaya ako dahil sinorpresa ako ng mga friends ko na sina Jude, Merckz, Haifa at Kareen, isang araw before ang birthday ko. Dumating sila na wala man lang akong kamalay-malay na dadalaw pala sila.Syempre pa, I was caught surprised. Hindi ko talaga inexpect na may mag-eeffort bisitahin ako para lang batiin ako ng happy kaarawan. :)


Masaya yung alam mong importante ka sa mga taong mahalaga rin sa'yo. Lalung-lalo na kung nag-effort talaga sila na puntahan ka kahit masyadong out of the way na ang lugar namin sa mga bahay nila. Nagdala pa talaga sila ng ice cream..hehe. Nahuli tuloy nila akong nakasuot ng Vanguards jersey at pambasketball na shorts. Kulang na lang talaga at ready to play ball na ang bida..XD.


Bago sila dumating, nagtext pa sa'kin si Jud. Nagtatanong kung nasa bahay ba daw ako, kung gising ba daw ako at kung paborito ko ba ang chocolate..Whew, buti na lang talaga nagreply ako. Di ko naman ugaling magreply ngayong mga panahong to' na wala na akong baon at bihira na lang mgkaload (ika nga, poorita ang bida..) Hindi ko rin talaga inexpect na maaalala nila na birthday ko. Ngayon pa na graduate na kami at bihirang-bihira na lang kung magkita. Friends talaga tayo.. :)






Maraming-Maraming Thank You kina Judelynn Torrifiel, Lannie-Lenn Mercado, Haifa Abdusalam, at Kareen Campos, kahit bukas pa ang bithday ko, kinumpleto nyo na ang araw ko. Salamat rin sa ice cream at sa effort. :))

No comments:

Post a Comment