Monday, December 26, 2011

May narealize ako dito..

Malungkot ka na nga wala ka pa ring ginagawang paraan para maging masaya.

Sino hihintayin mo? Mga kaibigan mo na busy rin sa mga problema nila? Huwag tayong maging pabigat sa kanila, nakakahiya kaya. Kaya naman natin yan eh, at sayang lang oras nila kapag nagbigay sila ng payo at hindi ka rin naman papayag dito. Ikaw pa rin naman ang mag dedesisyon eh. 

Think outside the box.

Kalimutan mo yung mga napanuod mong Love Stories sa Sinehan, sa Youtube, sa Flippish, sa Facebook, wag ka magbasa ng mga Video ni Marcelo. Papalungkutin ka lang lalo ng mga yun. Pasayahin mo ang sarili mo. Kaya mo naman talaga eh, ayaw mo lang.

Pati yung mga quotes na nagsisikalat sa internet, yung mga GM ng maiingay mong kaibigan na walang ibang ginawa kundi mag send ng quotes na kinuha lang naman sa internet o kaya naman finorward lang din sa kanila. 
Mag desisyon ka para sa sarili mo, sariling diskarte, sariling pag-iisip. Huwag mo idepende ang buhay mo sa mga taong nakapaligid sayo. Sa taong gusto mo, sa taong mahal mo. Sasaktan ka lang ng iba diyan eh. At least kapag sarili mo muna ang mahal mo, hindi ka basta basata maapi diyan.

Ok? Gets mo na? Mahalin ang sarili, pasayahin, enjoyin ang buhay at manlandi ng my limitasyon. Oo manlandi ka. Kasiyahan yan. 

Source: matabangutak

No comments:

Post a Comment