Tatlumpung minuto na akong naghihintay, ni anino ng mga kaibigan ko, di ko pa nasisilayan. Tsk..tsk..tsk..Naku po, late na naman yata sila. Bagot na bagot na ako sa kahihintay sa kanila kaya nagpasya na lang akong bumili ng mga sa tingin ko eh kailangan para sa byahe. Di ko kasi alam kung ilang minuto tatagal ang byahe sa bus papuntang Marbel. Feel na Feel ko pa namang namili ng mga tsitsirya, inumin at Mentos. Di naman ako yung tipong byahilo pero bumili na rin ako ng Mentos, pandepensa kung sakaling makaramdam ako ng hilo sa bus.
Isang oras na akong naghihintay, wala pa rin. Naiinis na ako. Tinawagan ko na sila para sabihing magmadali na kasi baka maubusan kami ng bus na sasakyan. Another 30 minutes and lumipas at sa wakas nakita ko na rin ang pagmumukha ni Mich. Ilang bus na dumaan sa harapan ko bago pa may dumating na kasama ko.
Hinatid si Mich ng Papa niya at hindi kami iniwan nito hangga't di pa dumarating ang ibang kasamahan namin.
Buti na rin yon, may kasama kaming may edad na, walang magbabalak na mang-istorbo sa aming tahimik na pag-upo. Maya-maya, dumating na rin si Ate Liz and Charmaine. Hinatid kami ng tatay ni Mich sa istasyon ng bus na katapat lang ng tinambayan namin. Excited kaming sumakay ng bus. Ibang klase din yung bus na sinakyan namin. Halatang bago pa at ika' nga ni Ate Liz, para daw space ship ang loob. Umupo kami sa pinakalikod ng bus. Kami na yata ang pinakamaingay sa lahat ng pasahero. Hindi talaga maiiwasang maging maingay lalo pa't kasama namin si Ate Liza, ang numero unong bangkera.Kumportable kaming nagbyahe mula Gensan papuntang Marbel.
Mga late comers..Pacute pa rin.
Chuchai and Chuchui..
Pagdating namin sa Marbel, sumakay kami ng tricycle. Mas maliit yung tricycle nila dun kesa dito sa Gensan.
Huminto kami sa tapat ng SITE Driving School, sa tabi nun ang bahay ng tita ni Mich na syang tutulugan namin. Mainit naman kaming tinanggap g tita ni Mich. Pinagluto pa nga kami ng pansit. Kakain na sana kami ng biglang napatay ang ilaw. Toinkz, BROWN-OUT. Dyahe talaga..Magrereview pa sana ako.
Ayun, pagkatapos naming kumain, naligo na kami. Syempre pa, dahil brown-out, nagkatakutan ng konti. Review pa rin kahit walang ilaw. Dahil medyo maalinsangan, sa sala na kami natulog nina Mich at Charmaine habang si Ate Liza naman sa kwarto natulog. Review pa rin kahit madilim. Pano ba kasi, namamahay ako nung mga oras na yun.
Di ako dalawin ng antok. Pero nakatulog naman ako pagkalipas ng mga ilang oras at pagkatapos ng wala yatang katapusang pagbibilang ng tupa. Kung ano yung nangyari kinabukasan, eh bukas ko na rin isusulat. Syempre, bukas pa yun eksaktong mag-iisang taon. So Peace and Good night! :)
No comments:
Post a Comment