Ang future Summa Cum Laude
Si Leo James Podador o Jayjay ay ang nag-iisang lalaki sa mnga pamangkin ko. 3 and a half years old pa lang si JJ pero memorize na nya ang alphabets. Kahit sa panaginip, ABCD's pa rin ang napapanaginipan nya. Minsan nga, naalimpungatan siya, ABCD pa rin ang sinasabi nya. Sabagay, okey na rin para sa amin yun, maaga siyang namulat sa pag-aaral. Ika' nga, bright na bata. Yung ibang bata pag nakapunta ng mall, laruan agad ang ipabibili sa magulang. Pero iba si JJ. Imbes na laruan, libro ang pinabibili niya (pero syempre bata, magdedemand ng Jollibee..hehe). Kapag nanuod naman kami ng Youtube, gusto nya letters, shapes at numbers yung panonoorin namin. Sa katunayan nga, memorize na rin namin yung mga paborito nyang videos sa Youtube (syempre, Alphabets pa rin!) Kinakanta na nga namin yung "A is for apple, a-a-apple, B is for ball, ball-ball,ball.."
Studious talaga si JJ. Mahilig magbasa, magsulat, magdrawing, at manuod ng mga educational videos. Marunong na nga sya maglaro at buuin yung simpleng nickelodeon puzzles sa PC. Marunong na ring syang magtype sa Microsoft Word. Pagnag-iintenet nga kami, gusto nya, sya ang hahawak ng mouse at mag-ooperate. Iiyak pag hindi mo pagbibigyan na manood ng mga paborito nyang Youtube videos o i-open yung Starfall website kung saan puro ABCD's at children's stories ang laman. Minsan talaga, nagugulat na lang ako sa mga ginagawa at hilig niya. Para sa akin, di yun ugali ng isang ordinaryong 3 and a half years old na bata. Yung ibang pamangkin kong si Keisha (6 years old) at Sandy (5 years old) puro laro lang ang ginagawa. May oras naman na nag-aaral talaga sila pero most of the time na nakikita ko sila, laro lang o panonood ng Ben 10 na cartoon (pati rin pala ang certified laagan na si Dora) ang inaatupag nila. Di ko usually sila nakikita na kumakanta ng ABCD's o nagsusulat at nagdrodrawing ng kung anu-ano. Si Sandy nga, iiyak pa pag ginising mo na para pumasok sa school. Sabagay, ganun din naman ako nung bata ako. Pero si JJ, siya pa ang pumipilit sa mama nya na pumasok sa school. Magtatantrums pag di makapasok sa school (nagsusumer class na sya sa Wizard). Once nga, nakapasok sya sa school ni Shen-shen, ayaw na nyang lumabas. Binati pa nya yung teacher na "good moyning, peacher.." kelangan pa syang hilahin ng mama nya palabas ng room kasi magsisimula na ang class nina Shen-shen.
Ang bugoy
Palaaral si JJ pero tulad ng ibang bata, mahilig din syang maglaro. Napakakulit at napakalikot nya rin. Talaga namang nakakapagod bantayan. Pagod na pagod ako pagkatapos ko syang bantayan. Pero nakakatuwa rin namang maging yaya nya. Nabaliw lang ako nung minsang pilitin nya kong magdrawing ng waterfalls at spider (Wala talaga akong katalent-talent sa drawing).
Mabait din ang makulit kong pamangkin na yun. Hindi rin sya palaaway at marunong pang magsabi ng "thank you" pag may binigay ka. Hindi tulad ng ibang bata, lalayas na lang pagkatapos mong bigyan ng kung ano.
Sa pinapakita ni JJ, di talaga malayong maging honor sya pag nagsimula na sya ng proper schooling. Baka manging Valedictorian pa pagraduate nya ng elementary at high school. Sa batang edad pa lang, nag-eenjoy na syang mag-aral. Wala ng paluan at iyakan na mangyayari para lang piliting mag-aral. Basta confident ako na paglaki nya, gragraduate syang SUMMA CUM-LAUDE..Sana LORD!!
No comments:
Post a Comment